Aklan News
Kuya,sinaksak ng sariling kapatid sa Libacao


Kinilala ang lalaking biktima na si Gladis Villanueva, 50-anyos habang ang suspek na kapatid nito ay si Pladys Villanueva, 49-anyos na parehong residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng Libacao PNP, mula ang biktimang si Gladis sa kaniyang mga barkada at lasing na nang umuwi.
Pagdating umano sa kanilang bahay ay nakita nito ang live-in partner ng kaniyang ina dahilan upang magtalo sila ng kaniyang kapatid.
Sa gitna ng pagtatalo ay nakakuha ng itak si Pladys at sinaksak sa tagiliran ang kaniyang kuya.
Dinala ang biktima sa Aklan Provincial Hospital na kasalukuyang pang ginagamot.
Samantala, nasa kustodiya naman ng Libacao Municipal Police Station ang suspek para sa karampatang disposisyon.l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading