Aklan News
LACHICA-MALAPAD TANDEM SA 2022, POSIBLE?
Kalibo – Kinumpirma ni Mayor Emerson Lachica ang posibilidad na maari niyang maging “running mate” si dating Sangguniang Bayan member Gregorio Malapad.
Sa programang Todo Komentaryo, ipinahayag ni Lachica na malaki umano ang posibilidad na maging katambal nito si Malapad dahil ito ang ini-endorso ng mga barangay leaders upang kaniyang maging bise-alkalde.
Aniya, kahit bihira lamang sila magkaroon ng pagpupulong dahil sa pandemya ay halos “majority” na ang may gustong maging “running mate” nito ang nabanggit na dating SB member.
Lubos naman itong ikinagagalak ng alkalde upang makamit umano nito ang layuning umunlad pa ang bayan ng Kalibo.
Continue Reading