Aklan News
LAHAT NG BAYAN SA AKLAN, NAPADALHAN NA NG SOCIAL AMELIORATION FUND
Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development Region 6 na nabigyan na ng pundo ang lahat ng bayan sa Aklan na may total amount na 390,360,000 pesos.
Ito ay matapos makumpleto ng nasabing mga bayan ang lahat ng documentary requirements para sa Social Amelioration Program.
Ngunit base sa mga nabanggit ni DSWD Regional Director Maria Evelyn Macapobre sa kanilang update reports, lumalabas na hindi pa nakapag uumpisang mamigay ang kahit isang bayan sa Aklan na mga nauna nang nadepositohan ng budget.
Muling pinaalala ng DSWD na dapat maipamahagi kaagad sa loob ng 5 araw sa mga beneficiaries ang buong tig 6,000 pesos.
Continue Reading