Connect with us

Aklan News

Lalaki arestado matapos makuhaan ng iligal na armas sa kanyang bahay sa Libacao

Published

on

Arestado ang isang lalaki matapos na makuhaan ng iligal na armas sa kaniya mismong bahay nang isyuhan ito ng search warrant ng mga otoridad kaninang umaga sa Sitio Mapuay, Brgy. Pampango, Libacao.

Kinilala ang suspek na si Roel Zonio, nasa legal na edad at  residente rin ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PCapt Roel Bereña, hepe ng Libacao PNP, sinabi nito na nakakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente na madalas umanong may bitbit na armas si Zonio at nagpaputok pa umano ito ng isang beses.

Dahil dito, inisyuhan siya ng search warrant sa pangunguna ng Libacao Pnp katuwang ang 1st Aklan PMFC.

Narekober sa bahay ni Zonio ang isang unit ng 12 gauge home made shotgun at limang 12 guage live ammos o mga bala.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Libacao Pnp para sa karampatang disposisyon.

Kaugnay nito, hinikayat ni Pcapt Bereña na kusang iturn-over nalang sa mga otoridad ang mga ilegal na armas para makaiwas din sa mga ilan pang mga insidente.