Connect with us

Aklan News

Lalaki arestado ng Batan PNP matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril at mga bala

Published

on

Kalaboso ang isang lalaki makaraang makuha sa kaniyang pag-iingat ang baril na walang kaukulang dokumento at mga bala.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Bienvenido Barrios Jr. ng Regional Trial Court Kalibo, Aklan na may petsang May 16, 2023,  tinungo ng mga kapulisan ang tahanan ng suspek na si Joselito Hermoso sa barangay Mandong sa bayan ng Batan.

Ayon kay PSSgt. Jessie Lauz ng Batan PNP, narekober sa loob ng bahay ng suspek ang isang homemade shotgun, 357 revolver na baril at mga bala.

Saad pa ni Lauz, may mga reklamo na sa barangay ang suspek tungkol sa pag-iingat nito ng nabanggit na mga baril kung kaya’t ito rin ang naging basehan ng Aklan Intelligence Unit para magkaroon ng search warrant laban kay Hermoso upang makumpiska ang mga ito.

Nasa kustodiya na ngayon ng Batan PNP Station ang naturang suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.