Connect with us

Aklan News

Lalaki confined sa ospital matapos saksakin ng sariling kuya sa Libacao    

Published

on

Sugatang isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos itong saksakin ng sariling kuya alas-2:21 kaninang madaling-araw sa Sitio Marapayao, Brgy. Ortega, Libacao.

Batay sa impormasyon mula sa MDRRMO Libacao, nag-inuman umano ang 28-anyos na biktima kasama ang kaniyang kuya kagabi.

Sinasabing nang malasing ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa dahilan kaya sinaksak ng kuya ang nakababatang kapatid nito.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa likod ang biktima na agad isinakay ng pamilya nito sa motor at dinala sa Poblacion, Libacao.

Mabilis ring isinugod ng MDRRMO Libacao sa Provincial Hospital ang biktima kung saan nakatakda itong isailalim sa operasyon.

Samantala, napag-alaman na ang nasabing insidente ay walang record sa Libacao Municipal Police Station.