Aklan News
Lalaki, hinuli sa pagbibitbit ng patalim sa pampublikong lugar
Hinuli ng Balete PNP ang isang 39 anyos na lalaki matapos itong magbitbit ng patalim sa pampublikong lugar.
Batay sa Balete PNP, nasangkot ang suspek sa kaguluhan at may mga residenteng nagreklamo sa pananakit at pananakot umano nito sa Brgy. Feliciano, Balete.
Lumalabas rin sa imbestigasyon na nahuli mismo ng mga kapulisan sa akto ang suspek na may dalang patalim kagabi.
Dahil dito possible itong maharap sa kasong paglabag sa COMELEC Resolution 10918.
Sinabi naman ni Police Major Bryan Alamo, Officer-in-Charge of the Balete MPS na ito na ang ikatlong beses na may nadakip silang indibidwal na lumabag sa election offense particular sa pagdadala ng mga nakamamatay na armas sa mga pampublikong lugar.
Saad nito, “This is the third time that our personnel have apprehended individuals for violating election offenses, specifically for carrying deadly weapon in public places.We are committed to continuing our efforts to maintain the safety of everyone and ensure a peaceful and orderly BSKE2023.”