Connect with us

Aklan News

Lalaki, ikinustodiya sa Kalibo PNP sa pagsanla sa hiniram na cellphone; nadiskubreng may kasong theft sa Quezon City

Published

on

Tuluyan ng ikinulong ang isang lalaki na dapat sanang ikukustodiya lang sa Kalibo MPS dahil sa pagsangla nito ng hiniram na cellphone matapos madiskubrehang may kaso pala itong Theft sa Quezon.

Napag-alaman na 25-anyos ang suspek na tubong Brgy. Pandacan, Metro Manila ngunit kasalukuyang naninirahan sa Purok 3, C. Laserna St., Kalibo.

Batay sa Kalibo PNP, nag-report ang isang babae nitong Huwebes ng gabi matapos umanong hindi na ibalik ng suspek ang hiniram sa kaniyang cellphone at isinangla pa.

Agad itong nadakip at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo Municipal Police Station at nakatakda rin sanang i-release ngunit nadiskubrehang may warrant of arrest pala ito sa kasong theft na inissue ng Municipal Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 133, Quezon City nitong September 13.

Samantala, kaninang tanghali ay doon na isinilbi ng mga otoridad ang kaniyang warrant kaya’t tuloyan na itong nakulong.

Sa ngayon ay nakapiit pa rin sa lock-up cell ng Kalibo PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.