Connect with us

Aklan News

Lalaki kulong matapos pagbintangan ang 20-anyos na babae na nagnakaw ng kaniyang underwear

Published

on

KULONG sa Kalibo PNP ang isang lalaki matapos na pagbintangan ang babaeng estudyante na myembro ng LGBTQIA+ na umano’y nagnakaw ng kaniyang underwear sa Old Buswang, Kalibo nitong Miyerkules ng gabi.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa 20-anyos na biktima, papauwi siya ng kanyang apartment nang tambangan ito ng suspek na may hawak na kutsilyo.

Pinipilit umano ng suspek na ibalik ng biktima ang nawawala nitong brief.

Ayon pa sa suspek, may nakakita sa biktima na sa loob siya ng kanilang gate.

Ilang beses na rin umano siyang nawalan ng underwear.

Pinagbantaan pa daw ng suspek ang biktima at ipinahiya ito sa maraming tao.

Ayon naman sa biktima, pumasok ito sa gate dahil sa hinahanap nito ang aso ng kaniyang tiyahin.

Aniya pa, hindi nito magagawa ang bintang ng suspek dahil babae pa rin siya at hindi niya gawain ang magnakaw.

Agad namang nag-report sa Kalibo PNP ang biktima at kalauna’y dumating din ang suspek para magreklamo.

Ikinustodiya ito ng otoridad dahil sa desididong magsampa ng kaso ang biktima.

Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong Unjust Vexation.