Connect with us

Aklan News

Lalaki na naglalaro ng Cara Krus sa isang lamay, aksidenteng nabaril ang kalaro

Published

on

Aksidenteng nabaril ng isang lalaki ang dalawang kasama nitong naglalaro ng Cara Krus sa isang lamay sa Brgy. Mobo, Kalibo nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na sina Ruffo Tayco, 44-anyos at Jay Victoriano, 45-anyos pawang residente ng nabanggit na lugar.

Samantala, nakilala naman ang suspek na si Louie Torre, alyas “Bongbong”, sa legal na edad at residente rin ng barangay Mobo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagkaroon umano ng argumento sa pagitan ng suspek at iba pang manlalaro ng Cara Krus kaya itinigil na lamang ang laro.

Dahil dito ay kaagad bumunot ng baril ang suspek at aksidenteng nabaril ang mga biktima.

Kaagad namang isinugod sa ospital si Tayco na tinamaan sa tuhod at si Victoriano na may tama sa kanyang may ilong.

Kaugnay nito, boluntaryong sumuko naman sa mga awtoridad si Torre na kasalukuyang nakadetine ngayon sa lock up cell ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.