Aklan News
Lalaki na wanted sa pagsasabong, tiklo sa Altavas
ARESTADO ang isang lalaki na wanted dahil sa iligal na pagsasabong sa sitio Cabilan, barangay Catmon, Altavas kahapon.
Kinilala ang akusado na si Crisologo Valerio, 59-anyos at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Valerio sa pinagsanib na puwersa ng Altavas PNP at Sapian PNP sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa PD 449 o Illegal Cockfighting Law of 1974 na inisyu ni Judge Roben Lambuson ng 5th MCTC, 6th Judicial Region, Sapian-Jamindan-Sigma, Capiz noong 2008.
Nasa dalawang libong piso naman ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nasa kustodiya na ngayon ng Sapian MPS ang suspek para sa karampatang disposisyon./SM
Continue Reading