Connect with us

Aklan News

Lalaki, naglabas ng kutsilyo matapos bantaan ng isa pang lalaki; nanay ng nambanta, bumunot rin ng kutsilyo

Published

on

Nirespondehan ng Kalibo PNP ang isang komosyon sa pagitan ng mag-ina laban sa isang lalaki sa Purok 2. C Laserna St., Brgy. Poblacion, Kalibo dakong alas- 9:30 kagabi.

Batay sa report, naglalakad umano si alyas “Kim” na papunta sanang tindahan nang makasalubong nito si alyas “Tonio” kasama ang kaniyang ina.

Bigla umanong ipinasok ni Tonio ang kaniyang kamay sa bag na tila may kinukuha sabay sabing “Paeukpon ko ing ueo ngaron”.

Hindi naman nagpatalo si Kim at bumunot naman ito ng kutsilyo.

Samantala, pumagitna naman ang nasabing nanay ngunit sa halip na umawat ay bumunot rin ito ng kutsilyo dahilan kaya tumakbo palayo ang dalawa.

Nirespondehan naman ito ng mga kapulisan at dinala ang mga sangkot sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.