Connect with us

Aklan News

Lalaki nagreklamo matapos ma-scam ng online seller na binilhan ng vape

Published

on

Nagsumbong sa kapulisan ang isang 28 anyos na lalaki matapos na bumili ng vape sa isang online seller.

Ayon kay Rendel Gonzales ng Brgy. Dumatad, Tangalan, hindi na nakipag-ugnayan sa kanya ang katransaksyon at naka-block na siya ngayon dito matapos niyang bayaran ang order.

Nagbigay ng paunang P5000 na bayad si Gonzales sa vape seller na si Niel Garbo gamit ang Gcash app nitong Pebrero 5.

Kinaumagahan ay pinadalhan niya ulit ito ng P2670.

Pero matapos niyang mapadala ang pera ay blinock siya nito sa Facebook.

Umabot sa kabuang P7670 ang perang naipadala ng biktima sa nabanggit na online seller, dahil dito nagpasya siya na ipa-record ito sa pulisya.