Connect with us

Aklan News

Lalaki nalunod-patay habang naliligo sa Aklan river

Published

on

Dead on arrival ang isang 38-anyos na lalaki matapos na malunod habang naliligo sa Aklan River nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Andrade at residente ng Barangay Aranas sa bayan ng Balete.

Ayon kay Rolando Diaz ng MDRRMO Banga, tumagal ang kanilang search ang rescue operation ng mahigit isang oras.

Aniya, noong una ay inakala nilang inanod ito pero noong sumisid sila sa ilalim ng tubig kung saan siya huling nakita ay nakuha nila ang katawan nito.

Kaagad nilang ini-angat ang biktima at ilang minutong nilapatan ng CPR.

Saad ni Diaz na may 10 hanggang 15 feet ang lalim kung saan natagpuan ang biktima.

Napag-alaman na ang lugar kung saan nalunod ang biktima ay isang quarry site.