Aklan News
LALAKI, NAOSPITAL MATAPOS UMANONG BUGBUGIN NG MAG-AMA
Confined ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos umanong bugbugin ng mag-ama kagabi sa labas ng isang tindahan sa Tigayon, Kalibo.
Nakilala ang biktimang si Felix Torres, 39 anyos ng Linabuan, Kalibo, habang nakilala naman ang mag-amang suspek na sina Marlon at Noynoy Azunada, kapwa residente ng Tigayon, Kalibo.
Base sa paunang imbistigasyon ng Kalibo PNP, naglalakad noon malapit sa tindahan ang biktima nang dumating ang suspek na si Marlon.
Binili umano sana ito doon ng alak, subali’t wala umano itong pera, na narinig naman ng biktima.
Sinasabing sumigaw umano ito kay Marlon na “kung bibili, dapat may pera ka” na ikinagalit ng suspek, dahilan naman na bigla nitong pinagsusuntok ang biktima.
Samantala, hindi umano gumanti ang biktima sa suspek, subali’t naroon pala ang anak nito, na siya namang tumulong sa sa pagbugbog rason na nawalan ng malay ang biktima.
Kaagad siyang dinala sa ospital, habang kaagad ding tumakas at patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang mag-amang suspek na napag-alamang kapwa lasing nang mangyari ang insidente.