Aklan News
LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA KANYANG KUBO


Patay na nang matagpuan ang isang 49 anyos na lalaki sa loob mismo ng kanyang kubo sa Agbalogo, Makato nitong araw ng Miyerkules.
Nakilala itong si Elberto Tapic, 49 anyos ng nasabing lugar.
Nabatid sa report ng pulis na natuklasan lamang ng isang magsasakang bumisita sa kanyang palayan doon ang lalaki na wala nang buhay sa loob ng kanyang kubo.
Kaagad namang naireport at inimbistigahan ng Makato PNP ang insidente kung saan lumalabas na wala namang sugat sa katawan ang lalaki at wala ring foul play sa kanyang pagkamatay.
Mismo rin ang kanyang pamilya ang nagsabi sa mga pulis na may iniindang sakit sa bato (kidney) ang lalaki, kung kaya’t hindi narin umano nila isasailalim pa sa autopsy examination ang katawan nito.
Continue Reading