Aklan News
LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KUBO SA ISANG PALAISDAAN
Patay na nang matagpuan bandang alas 6:00 kaninang umaga ang isang lalaki sa loob ng kubo sa isang palaisdaan sa Pook-Tugbungan, Kalibo.
Nakilala ang lalaking si Edwin Ubas, 60 anyos ng Sitio Mahabang Bantod, Pook-Bayanihan.
Ayon sa kanyang kapamilya, may iniindang hika ang biktima bago paman ito umuwi ng Aklan matapos nitong magtrabaho bilang guwardiya sa Batangas ng 2 taon.
Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Kalibo PNP, napag-alamang wala namang foul play sa pagkamatay ng nasabing lalaki.
Continue Reading