Aklan News
Lalaki, natagpuang wala ng buhay sa loob ng kaniyang bahay sa Altavas


WALA NG BUHAY ang isang lalaki nang matagpuan sa kanyang tinitirhang bahay sa Brgy. Dalipdip, Altavas, Aklan bandang alas-3:00 kahapon, Abril 28.
Kinilala ang lalaki na si Judy Campoy, 42-anyos at residente ng nasabing lugar, may asawa at isang magsasaka.
Batay sa panayam ng Radyo Todo sa Altavas PNP, nakita nalang umano ng isa sa pamilya nito ang katawan ng nasabing biktima na hindi na humihinga habang nakahiga sa kaniyang kama.
Samantala, kumbinsido naman ang pamilya nito na walang foulplay sa kaniyang pagkamatay at posible aniyang inatake lamang ito ng kaniyang sakit sa puso. l Ulat ni Jisrel Nervar
Photo: Boywarang Vlog
Continue Reading