Connect with us

Aklan News

Lalaki, patay matapos barilin ng kainuman, anak ng biktima, sugatan din

Published

on

Lugar kung saan nag-iinuman ang nasawing biktima at ang suspek.

Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki, habang sugatan din ang kanyang anak matapos barilin bandang alas 11:00 kagabi sa Bigaa, Malinao.

Nakilala ang mga biktimang sina Jimmy Gregorio, 58-anyos, at ang-17 anyos nitong anak na si John Lester Gregorio, habang nakilala naman ang suspek na si Ronie Naig, nasa legal na edad. Ang tatlo ay pare-parehong residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Malinao PNP, magkasamang nag-iinuman noon ang biktima at suspek bago nangyari ang insidente.

Narinig na lamang umano ng biktimang si John Lester ang pagtatalo ng ama at ni Naig. Hindi pa alam ang dahilan ng pagtatalo ng dalawa.

Dahil dito, nilapitan at hinila ito ng kanyang anak pauwi, subalit sinasabing sinundan sila ng suspek at binaril.

Ayon sa Malinao PNP, nagtamo ng sugat sa baba ng magkabilang kili-kili si Jimmy, habang posible umanong tumagos ang bala at tumama sa kanang braso ng kanyang anak, na nakahawak sa kanya.

Kaagad na dinala sa ospital ang mga biktima habang tumakas ang suspek na pinaghahanap pa rin ng mga pulis.

Samantala, timutukoy pa ng Malinao PNP ang uri ng baril na ginamit ng suspek.

Continue Reading