Aklan News
Lalaki patay nang makuryente sa kable ng street light
Dead on arrival sa Aklan Provincial Hospital ang isang lalaki matapos na aksidenteng makuryente kagabi sa Brgy. San Roque, Malinao, Aklan.
Nakilala ang biktimang si Felisicimo Francisco, 45 anyos, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Corporal Inamarga ng Malinao PNP, naglalakad ang biktima nang mahawakan nito ang wire ng street light ng barangay na naging dahilan ng pagkakuryente nito.
Naisugod pa ng MDRRMO Malinao sa Aklan Provincial Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.
Continue Reading