Connect with us

Aklan News

Lalaki patay sa tadtad ng saksak, mga suspek tinutugis pa

Published

on

Patay sa tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki sa Brgy. Cortes, Balete dakong alas-10 kagabi.

Kinilala ang biktimang si Antonio Bernabe Jr, residente ng nabanggit na lugar habang ang mga suspek na nakainuman nito ay hindi pa pinapangalanan at patuloy pang tinutugis ng mga kapulisan.

Sa ulat, sinasabing hindi na nakaabot pa ng buhay sa ospital ang biktima dahil sa mga tinamo nitong tama ng pananaksak.

Batay sa pulisya, nangyari ang krimen sa tabi ng kalsada.

Hinala ng mga kapulisan, posibleng pinagtulungang saksakin ang biktima.

Narekober din nila ang isa sa mga kutsilyo na posibleng ginamit ng mga suspek.

Patuloy pa nilang tinutugis ang mga salarin na tumakas matapos ang krimen.