Aklan News
Lalaki, pinagsisipa ng taekwondo player sa New Washington


SINIPA at binugbog ng umano’y taekwondo player ang isang lalaki sa New Washington nitong gabi ng Biyernes, Hunyo 20.
Sa isang video na kuha sa nasabing insidente, pinagsisipa at pinagtatawanan pa ng grupo ng kabataan habang pinapaulanan ng nasabing teakwondo player ng iba’t-ibang kick ang isang lalaki hangang sa natumba na ito at nahirapang bumangon.
Dahil rito, duguan nag ilong ng lalaki na nagtamo ng mga galos.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng New Washington PNP hinggil sa insidente. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading