Connect with us

Aklan News

LALAKI, PINATAY NA, ISINILID PA SA SAKO AT HINULOG SA BANGIN, SUSPEK SUMUKO

Published

on

Libacao – Sasampahan ngayong araw ng kasong murder ang suspek sa pagpatay sa isang lalaki nitong Huwebes ng gabi sa Agmailig, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Edmund Arias, 43 anyos ng Pinunoy, Libacao, habang nakilala naman ang suspek na si Ricky Alegria ng Agmailig, Libacao.

Base sa report ng pulis, bandang alas 10:00 umano ng gabing iyon nang magkita sa daan ang biktima at suspek kung saan sinasabing binantaan siya ng biktima na papatayin pati ang kanyang pamilya.

Dahil dito, nagtalo at nagpangbuno umano ang dalawa hanggang sa nahawakan ng suspek ang strap ng bag ng biktima at iyon ang ginamit nito sa pagpatay sa kanya.

Sinasabing isinilid pa ng suspek sa sako ang biktima at hinulog sa bangin.

Samantala, bandang alas 10:00 din kinabukasan ng gabi, nang ‘ikumpisal’ umano ng suspek sa kanyang ama ang nangyaring krimen, at kinabukasan naman ng Sabado, ika 13 ng Nobyembre nang dumulog ang mag-ama kay Mayor Charito Navarosa, para magpatulong sa pagsuko ng suspek sa mga pulis.

Kasunod nito, kaagad sinundo ng Libacao PNP ang suspek at ikinustodiya matapos arestuhin.

Napag-alamang magkasama ring nag-inuman sa mismo nilang bahay ang suspek at biktima bago nangyari ang kremin.

Samantala, nakuha naman ng mga pulis ang bangkay ng biktima mula sa hinulugan nitong bangin.