Aklan News
LALAKI SA BORACAY, NASTROKE MATAPOS MAGPABAKUNA KONTRA COVID-19
Binahagi ng isang misis ang nangyari sa kanyang mister matapos itong turukan ng Sinovac vaccine sa Boracay.
Ayon kay Jonelyn Tekyo ng Sitio Tambisaan, Manocmanoc, Boracay, sinabi niya na nakatanggap ng unang dose ng bakuna ang kanyang asawa noong Agosto.
Bago iyon, nauna na itong na mild stroke noong June 4 nito lang taon pero gumaling at nakabalik pa sa trabaho bilang isang maintenance sa isang pribadong kompanya sa Balabag.
Wala raw itong naramdaman na anumang side effects sa unang dose ng bakuna pero dalawang araw lang ang nakalipas matapos ang second dose nito noong Setyembre 10 ay nakaramdam ito ng pagkahilo at muling nastroke.
Ayon kay Jonelyn, dumaan din sa screening protocols at assessment ang kanyang asawa sa bago magpabakuna at nakapasa naman ito.
Ipinaabot na ng Radyo Todo ang insidenteng ito sa Malay Municipal Health Office (MHO) at magsasagawa ang mga ito ng case study hinggil sa nasabing pangyayari.
Kaugnay nito, nananawagan din ng tulong si misis Tekyo para sa pambili nila ng bigas at gatas ng kanyang mga anak ngayong walang trabaho ang kanyang mister dahil sa stroke, sa mga nais na magpaabot ng tulong maari kayong tumawag sa 09129341275.