Aklan News
Lalaki sa mag-live-in partner na nahuli sa buy-bust, nagpositibo sa drug test


Nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ang lalaki sa mag-live-in partner na naaresto sa isang buy-bust operation sa Sitio Baybay, Barangay Andagao, Kalibo nitong Miyerkules ng gabi.
Batay sa inilabas na resulta ng kanilang drug test, negatibo naman ang babae na si Lilian Niñofranco at tanging ang ka-live-in lang nito na si Juanito Nervar ang nagpositibo.
Kung matandaan, nahuli ang dalawa sa mismong tinutuluyan ng mga ito kung saan nabilhan sila ng isang sachet na shabu kapalit ng ₱25,000 na buy-bust money.
Samantala, narekober din ang dagdag pang sampung (10) sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa mahigit ₱400,000 ang halaga.
Sa ngayon ay hawak pa rin ang dalawa ng mga awtoridad para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading