Connect with us

Aklan News

Lalaki sinabuyan ng buhangin sa mukha ng babaeng mentally challenged

Published

on

Sugat sa noo ang tinamo ng isang lalaki matapos itong sabuyan ng buhangin na may maliliit na bato ng isang babaeng mentally challenged dakong alas-6:35 ngayong umaga sa Mabini Interior, Pob. Kalibo.

Batay sa report, naglalakad lang umano ang 48-anyos na lalaki sa labas ng kaniyang bahay nang bigla itong sabuyan sa mukha ng babaeng mentally challenged na residente rin ng lugar.

Sinasabing, may kasamang maliliit na bato ang inihagis nitong buhangin kaya’t nagtamo pa ito ng sugat sa kaniyang noo.

Minabuti nalang na i- report ng biktima ang nangyari sa Kalibo Pnp na ine-refer din sa Barangay Justice System para sa kaukulang disposisyon.