Connect with us

Aklan News

Lalaki, sinaksak ng kainuman; biktima landing sa hospital, suspek patuloy pang pinaghahanap

Published

on

LANDING SA OSPITAL ang isang lalaki matapos saksakin ng kainuman nito bandang alas-5:00 nitong umaga sa Brgy. Tigayon, Kalibo.
Ang biktima ay kinilalang si alyas “Nog-Nog,” 42-anyos at residente ng nasabing lugar habang ang suspek naman ay kinilala naman na si si Josel Beltran at residente ng Libacao at minsan lang umuuwi sa lugar.
Nagtamo ng tama sa tiyan at likod si “Nog-Nog” na agad isinugod sa pribadong hospital na ngayon ay patuloy pang ginagamot.
Samantala, matapos ang insidente ay tumakas naman ang suspek at nagtatago.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay sa nangyaring insidente. l Ulat ni Jisrel Nervar