Aklan News
Lalaki sinaksak, patay


Dead on arrival sa Aklan provincial hospital ang isang lalaki matapos saksakin kahapon sa Brgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ang biktimang si Frederick Calizo, 50 anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Tigayon, Kalibo.
Habang nakilala naman ang suspek na si Leonito Legaspi Jr. sa legal edad na kapitbahay din ng biktima.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng Radyo Todo, bago nangyari ang insidente nagsisisigaw umano ang lasing na suspek at naghahamon ng away sa labas ng bahay ng biktima.
Nagising umano ang biktima na natutulog ng mga oras na yon at sinita ang suspek ngunit bigla na lamang umanong inundayan ng saksak ng suspek ang biktima na tinamaan sa dibdib na ikinamatay nito.
Nadala pa ng kalibo MDRRMO si Calizo ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Agad namang naaresto si Legaspi ng Kalibo PNP na rumesponde sa krimen.
Napag-alaman na may dating alitan ang suspek at biktima na itinuturong dahilan ng insidente.
Kasalukuyang sa kustodiya ng Kalibo PNP si Legaspi para sa karampatang disposisyon.