Aklan News
LALAKI, SINAKSAK PATAY, SUSPEK NANANATILING ‘AT LARGE’


Published
3 years agoon

Patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek sa pananaksak sa Tambuan, Malinao kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktimang si Monsereto Bohol, 61 anyos ng Dongon East, Numancia, habang katrabaho din umano nito sa isang quarry ang suspek na si Allan Sablayan, 36 anyos ng Kinalangay Viejo, Malinao.
Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, sinasabing nag-uusap lamang umano noon sa kanilang barracks ang dalawa nang bigla na lamang umanong sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang itak.
Kaagad dinala sa ospital ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay, habang tumakas umano ang suspek matapos ang insidente.
Continue Reading
You may like
AKELCO, pangalawa sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa Western Visayas ngayong Hunyo 2025
Motoristang umiwas sa checkpoint, nasagasaan ang traffic enforcer; kulong sa Kalibo MPS
Walang maintenance na air conditioning unit, baradong toilet bowl at maduming cr sa DRSTMH, inirereklamo ng ilang mga pasyente
Boarder, nag-amok matapos sawayin dahil sa maingay na motorsiklo
Tricycle, sumalpok sa isa pang trike; drayber at pasahero, sugatan
Kalibo, Aklan, kabilang sa pilot testing ng unified PWD ID system simula Hulyo