Connect with us

Aklan News

Lalaki sinaksak, suspek tumakas

Published

on

Sugatan sa kaliwang bahagi ng mukha ang isang lalaki matapos umanong saksakin bandang alas 10:00 kagabi sa Sitio Minoro, Caticlan, Malay.

Nakilala ang biktimang si Benjie Sibua, 27, residente ng nasabing lugar, habang pinaghahanap pa ng mga pulis ang suspek na si Custodio Pamolarco, 29 anyos ng Caticlan proper, Malay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, napansin umano ng biktima na tila hinahanap siya ng suspek sa labas ng kanilang bahay.

Dahil dito, kinumpronta umano ng biktima ang suspek kung ano ang kanyang problema, na nauwi naman sa pagtatalo, hanggang sa bumunot umano ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.

Sinubukang umilag ng biktima, subali’t tinamaan parin umano ito sa mukha.

Kaagad siyang dinala sa ospital para gamutin, habang kaagad ding tumakas ang suspek.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.