Connect with us

Aklan News

Lalaki sinasaksak dahil sa larong Cara y Cruz

Published

on

Confine ang isang lalaki matapos itong masaksak ng kalaro nito sa Cara y Cruz dakong alas-12:00 ng madaling araw ngayong Martes sa may Brgy. Pook Talipapa, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo Pnp, habang naglalaro umano ang 26-anyos na biktima at suspek na si Vicente Sartillo, 42-anyos, residente ng nasabing lugar ay bigla nalang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa hanggang sa bumunot na ang suspek ng kutsilyo at sinaksak ang biktima.

Nakatakbo pa umano ang biktima at nakahingi ng tulong.

Samantala, nahimatay naman ang suspek matapos habulin ng isa pang lalaki at hinampas ng kahoy sa ulo.

Agad ding dumating ang ka-live in partner ng suspek at tinulungan itong makauwi.

Napag-alaman na nagtago pa umano suspek na di kalaunan ay nadakip din ng mga kapulisan.

Samantala, naka-confine ngayon sa Mission Hospital ang biktimang nagtamo ng saksak sa may kaliwang bahagi ng tagiliran habang naka hospital-arrest naman ang suspek dahil sa natamo din nitong tama sa ulo at nakatakdang harapin ang kasong attempted homicide.