Connect with us

Aklan News

Lalaki, sugatan matapos hampasin at saksakin ng basag na bote ng kainuman

Published

on

Ginagamot pa ngayon sa ospital ang isang lalaking hinampas at saksakin ng basag na bote mag-aalas 4:00 kahapon ng hapon sa L.Barrios St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Angrian Lañas, 33 anyos ng nasabing lugar, at ang suspek na si Kent Daniel Jongay, 19 anyos ng Roxas Avenue, Poblacion, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nag-iinuman noon ang suspek at isa nitong kaibigan sa labas ng isang bahay nang dumating ang biktima at ilang kasama, at nakipag-inuman sa kanila.

Kinalaunan, nagtalo umano ang suspek at biktima dahil sa pagsaway umano ng suspek sa grupo ng biktima na huwag umihi sa tabi ng kanilang tinatagayan.

Kasunod nito, kinuha umano ng suspek ang bote ng alak, at hinampas sa ulo biktima, at sinaksak pa sa kanang braso nito ang basag na bote.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang tumakas ang suspek matapos ang insidente, bago nadakip sa Andagao.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station, habang ipinagkatiwala na sa barangay justice system ang kanilang kaso matapos umanong magpahayag ang biktima na handa itong makipag-areglo sa suspek.