Connect with us

Aklan News

Lalaking hinuli sa pagpapaputok ng baril sa Boracay, nakatakdang i-inquest

Published

on

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong araw ang isang lalaking inaresto matapos magpaputok ng baril sa Boracay nitong Huwebes ng gabi.

Batay sa ulat, positibong itinuro ng saksi ang suspek na si Wennie Tayco, 32 anyos na tubong Brgy. San Jose, Ibajay at kasalukuyang naninirahan sa So. Cagban, Ibabaw, Brgy. Manocmanoc, Malay.

Nakuha ng mga kapulisan sa posisyon ng suspek ang isang caliber 38 pistol.

Kasong pagbalag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng suspek.

Continue Reading