Connect with us

Aklan News

Lalaking lasing, inireport sa pulis matapos na sumilip-silip sa isang bahay

Published

on

Pansamantalang ikinustodiya ng Kalibo Pnp ang isang lalaking lasing na umano’y sumilip-silip sa isang bahay sa Brgy. Briones, Kalibo kagabi.

Napag-alaman na 35-anyos at residente ng Brgy. Mabilo, New Washington ang naturang lalaki.

Batay sa report ng kapulisan, kinabahan umano ang may-ari ng isang bahay sa lugar matapos na mapansin na pasilip-silip rito ang lasing.

Inakala raw nila na isa itong magnanakaw kaya’t mabilis nila itong inireklamo sa mga pulis.

Samantala, kwento naman ng lasing na galing ito sa isang piyestahan sa Brgy. Pook kaya’t siya ay nakainom at nakatulog sa kalsada.

Sinasabing, nang magising ay nais niya lang sanang humingi ng tulong dahil nawala umano ang kaniyang cellphone kaya sumilip ito sa bahay.

Nagpalipas ito ng gabi sa Kalibo Municipal Police Station at inihatid din pauwi ng mga kapulisan.