Connect with us

Aklan News

Lalaking lasing, sumugod sa bahay ng nakainuman at nagdala pa ng 10 resbak

Published

on

Pinagbabato ng grupo ng mga kalalakihan at hinampas ng bolo ang isang bahay sa Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo nitong Martes ng gabi.

Batay sa report, nakainuman pa ng may-ari ng bahay na si alyas “John”” ang isa sa mga salarin na si “Jamil” at kaibigan nitong si “Loue”.

Sinasabing pagdating ng hatinggabi ay nalasing na umano ang mga ito dahilan upang sabihin ni Loue na hindi na nito kaya pang magmaneho ng motor pauwi.

Nagdesisyon si Jhon na doon muna siya pagpahingahin sa kanilang bahay pero ipinagpilitan ni Jamil na kaya pa nitong magmaneho ng motor at umuwi.

Pero hindi pumayag si John kaya galit na umalis si Jamil.

Kalauna’y bumalik ito sa kasama ang sampu pang mga kalalakihan na may mga dala nang kutsilyo at bolo.

Pinagbabato umano nila ng bato ang bahay sabay sabing, “pa guwaa nyo si Loue” habang ang isa naman ay lumapit sa bahay saka hinampas ng bolo ang bintana.

Dahil sa takot ng mga nakatira sa naturang bahay bunsod ng insidente ay minabuting iparecord ito sa Kalibo MPS.