Connect with us

Aklan News

Lalaking matutulog na sana, nasaksak nang sawayin ang maingay at nag-aaway na kapitbahay

Published

on

NAKARATAY ngayon sa ospital ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na nagalit dahil sa pag-awat nito sa away alas-10 kagabi sa Purok 6 C. Lserna St., Kalibo.

Dinala sa DRSTMH ang biktimang si Gary Panagsagan, 31, na taga Purok 6 C. Lserna St., Kalibo dahil sa mga tama ng pananaga at pananaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kulong naman ang suspek at kapitbahay nitong si Joven Flores, 29 taong gulang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, matutulog na sana ang biktima nang maingayan ito sa away ni Flores at kalive-in partner nitong si Rosemarie Quinton.

Sinabihan niya ang mga ito na, “Tama eon dun gakatueog kami! Kun gaaway kamo indi kamo magsaeakitan”.

Pero siya ang napagbalingan ng galit ng suspek. Sinugod nito ang biktima at tinaga. Hindi pa nakuntento ang suspek at sinaksak pa nito ang biktima habang nakahandusay.

Agad naman naisugod ang biktima sa ospital habang ang suspek ay dinakip ng mga otoridad.