Connect with us

Aklan News

LALAKING MAY DIPERENSYA SA PAG-IISIP, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Kalibo Aklan – Patay na nang matagpuan ang isang 40 anyos na lalaki mga dakong 12:00 kaninang tanghali sa Osmeña Avenue, Kalibo

Nakilala ang biktimang si Sonny Sison, tubong Pampango Libacao at kasalukuyang naninirahan sa Osmeña Avenue, Kalibo Aklan.

Base sa report ng Kalibo PNP, natagpuan ang biktimang nakahiga sa GM’s terminal at wala ng buhay.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng mga nagresponding pulis na may problema sa pag-iisip ang biktima,

Wala naman umanong nakitang foul play sa kanyang pagkamatay.