Aklan News
Lalaking may kasong theft, nagpasko sa loob ng kulungan matapos mahuli ng Kalibo PNP
Sa kulungan na nag Pasko ang isang lalaking may kasong Theft matapos mahuli ng mga kapulisan nitong Disyembre 24.
Ang akusado ay 25-anyos na tubong Pandacan, Manila ngunit pansamantalang nakatira sa Kalibo.
Nahuli siya matapos silbihan ng warrant of arrest na may Criminal Case No. 24-07015 na inisyu ni Hon. Judge Gloria Monica, Sangalang Lopez-Lao nitong Martes sa C, Laserna Street, Poblacion, Kalibo.
Nasa P20,000 ang piyansang itinalaga ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek
Sa ngayon ay nasa kustodiya parin ito ng Kalibo PNP Station at nakatakdang iharap sa korte.
Continue Reading