Connect with us

Aklan News

LALAKING MAY SAKIT, NAGBIGTI PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan ng kanyang pamilya ang isang lalaki matapos umano nitong magbigti sa loob mismo ng sariling bahay sa isang barangay sa Madalag.
Nabatid na 58 anyos ang hindi na pinangalanang lalaki at may iniindang sakit.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Madalag PNP na hinatiran ng pagkain ang biktima, subali’t hindi umano ito sumasagot nang tawagin.
Doon na pinasok ng pamilya ang bahay at nakitang nakabigti ang biktima gamit ang nylon cord.
Nag-iwan pa umano ng suicide note ang biktima na isinulat nito sa likod ng kalendaryo na humihingi ng tawad dahil umano sa pagiging pabigat nito sa kanyang pamilya dahil sa kanyang alta presyon o high blood.
Dahil dito, kumbinsido ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima, kung kaya’t hindi na umano nila ito ipapa-autopsy.
Kasalukuyang nasa isang punerarya ang labi ng nasabing lalaki.