Connect with us

Aklan News

LALAKING MAY WARRANT OF ARREST, NASAKOTE NG PNP

Published

on

Nabas – Arestado ng Nabas PNP ang isang wanted person sa kasong Falsification by Private individual under art 172 in relation to art 171 of Revised Penal Code mga dakong 1:30 kahapon.

Ang akusado ay nakilalang Si Edward Baldo, 23 anyos residinte ng Bgry. Buenaswerte, Nabas Aklan.

Naaresto ang akusado sa Brgy. Lawaan, Roxas City ng Nabas PNP sa pangunguna ni PMAJ Fidel Gentallan Sa pamamagitan ng kanyang warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Cleo Marie C. Santillan, Presiding Just, 5th Municipal Trial Court Malay noong Sept 10, 2020.

P36,000 naman ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ngayon ng Nabas MPS ang akusado at nakatakdang iturn-over sa nasabing korte.