Connect with us

Aklan News

Lalaking may warrant of arrest sa kasong reckless imprudence resulting to homicide boluntaryong sumuko sa kapulisan  

Published

on

BOLUNTARYONG SUMUKO sa Kalibo PNP station ang lalaking may warrant of arrest sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide na nangyari sa bayan ng Odiongan, Romblon noong Pebrero 2024.

Ang hindi pa pinangalanang akusado ay isang 46-anyos na residente ng New Buswang, Kalibo.

Aniya, nag-ugat ito matapos aksidenteng mahulog sa topdown ang kaniyang pasahero na 21-anyos na babae kung saan na-ospital ito at kalauna’y binawian ng buhay.

Nauwi umano sa regular filing ang kaso kaya’t nakauwi siya ng Aklan.

Samantala, nitong Setyembre 19, nakatanggap siya ng tawag mula sa imbestigador ng naturang kaso sa Romblon at sinabihan siyang lumabas na ang kaniyang warrant or arrest.

Binigyan din siya ng kopya ng kanyang warrant kaya’t minabuti nitong sumuko sa mga kapulisan para sa kinakaharap na kaso.

Sa ngayong araw nakatakda rin mag-piyansya ang akusado ng nasa P30,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.