Aklan News
Lalaking most wanted sa kasong rape sa Capiz arestado sa Aklan
Napasakamay na sa ngayon ng mga otoridad ang isang lalaki na may kasong rape sa bayan Dao, Capiz matapos maaresto sa bayan ng Lezo.
Kinilala ang akusado na si Noel Paitone, 26 anyos ng Poblacion Lezo Aklan.
Si Paitone ay inaresto ng mga kapulisan 1:30 kahapon ng hapon sa Poblacion Lezo.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas at nilagdaan ni Hon. Judge Jeffrey Almalbis ng RTC Bracnh 4 na my petsang March 13, 2014 sa kasong Rape ay isinilbi ito kay Paitone kahapon.
Walang pyansang inerekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ay nakakulong na ito sa Lezo PNP at dadalhin sa Dao Municipal Police Station para sa karagdagang disposisyon.
Continue Reading