Connect with us

Aklan News

Lalaking nabaril ng mga kapulisan sa entrapment operation, kumpirmadong miyembro ng NPA

Published

on

KINUMPIRMA ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na miyembro ng Communist Terrorist Group-New People’s Army (CTG-NPA) ang suspek na si Brenz Egudas na nabaril matapos manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang entrapment operation nitong Hunyo a-27 sa Makato, Aklan.

Nag-ugat ang nasabing entrapment operation matapos makatanggap ng reklamo ang Aklan PNP mula sa isang negosyante na nakatanggap umano ito ng extortion letter mula sa grupong Coronacion Chiva Waling-waling Command ng NPA.

Si Egudas ay nagtamo ng tama ng baril sa kanyang may hita matapos na subukang manlaban sa mga umarestong kapulisan.

Kaagad naman itong nirespondehan ng MDRRMO Makato at dinala sa Aklan Provincial Hospital kung saan siya ngayon naka-hospital arrest.

Narekober naman sa crime scene ang isang box ng pera, tatlong mga cellphone, isang granada at mga resibo ng remittance center.

Samantala, nasa kustodiya naman ngayon ng Makato PNP ang kasamahan nitong si Ma. Rita Malandac na sinasabing kaanib rin ng mga NPA at patuloy pang ini-imbestigahan.

Matatandaan na magkasamang sa iisang taxi mula sa Iloilo si Egudas at Malandac papuntang Aklan nang ikasa ang operasyon.

Ngunit, mariin nitong itinatanggi na magkakilala sila ni Egudas at sinabing nagkasabay lamang sila sa taxi papuntang Aklan.