Aklan News
Lalaking nag-amok, inireklamo ng tiyahin


Dumulog sa istasyon ng Kalibo pnp ang isang tiyahin para i-report ang nag-amok nitong pamangkin kagabi sa Brgy. Pook, Kalibo.
Napag-alaman na nasa impluwensya ng alak ang lalaking pamangkin nito kaya nag-amok.
Sinasabing, nagsisisigaw ito at hindi na mapigilan dahil sa sobrang kalasingan.
Dahil sa takot ay minabuti ng tiyahin na tumawag ng pulis.
Sa Ngayon ay nasa kustodiya parin ng Kalibo pnp ang lalaki at nakatakda ring palabasin matapos na i-refer nalang ang kaso sa Barangay Justice System.
Continue Reading