Connect with us

Aklan News

Lalaking nagbakasyon sa Boracay, nakaligtas sa pagkalunod

Published

on

Masuwerteng nakaligtas sa pagkalunod ang isang lalaking nagbakasyon sa isla ng Boracay matapos maligo sa baybayin kahapon sa Station 3, Brgy. Manoc-Manoc.

Napag-alaman na 24-anyos ang lalaking biktima na residente ng Cabuyao, Laguna na umano’y may sakit na epilepsy.

Batay sa report, may mga kasama umano ito na naligo sa baybayin ngunit napansin nalang nilang nalulunod na ito.

Agad nag responde sa lugar ang mga miyembro ng Coastguard, MDRRMO, at lifeguards na agad namang naisalba ang biktima saka dinala sa ospital.

Sa ngayon ay confined ito sa Provincial Hospital at nasa maayos nang kalagayan.

Napag-alaman na inatake ito ng sakit na epilepsy dahilan ng kaniyang pagkalunod.