Aklan News
LALAKING NAGLALARO NG ML, SINAKSAK-PATAY SA POB. BURUANGA


Patay ang isang lalaki matapos saksakin habang naglalaro ng Mobile Legends bandang alas-9:30 ng gabi nitong Biyernes sa Poblacion, Buruanga.
Kinilala ang biktima na si Nelmar Sabrido, nasa legal na edad at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa inisyal na ulat, naglalaro umano ng Mobile Legends ang biktima at bumili pa ng sigarilyo nang tawagin ito ng suspek.
Paglapit ng biktima, agad itong sinaksak sa dibdib.
Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo. Hindi pa matukoy kung saang direksyon ito tumungo.
Batay sa impormasyon, posible umanong dating kaalitan ng biktima ang suspek.
Continue Reading