Aklan News
LALAKING NAGTANGKANG MANAKSAK NG POLICEWOMAN, KINASUHAN NA
Makato – Sinampahan na ng kaso ngayong umaga sa prosecutor’s ofdice ang lalaking nagtangkang saksakin ang isang police woman matapos siya nitong sitahin dahil sa di pagsuot ng facemask.
Nangyari ang insidente bandang alas 3:00 kahapon ng hapon sa entrance ng Makato Public Market, kung saan nakilala ang suspek na si Sonny Boy Sotero, 53 anyos ng Agcawilan, Lezo, at ang pulis na si Patrolwoman April Joy Asejo, 24 anyos ng Banica, Roxas City, at assigned sa Makato PNP Station.
Base sa report ng Makato PNP, nakita umano ni Asejo ang suspek na walang suot na facemask, rason na kanya itong sinabihan.
Hindi umano siya pinansin ng suspek at nagpatuloy pa sa paglalakad, kung kaya’t sinundan siya ng pulis at sinabihang muli, subalit hinawakan umano siya sa leeg ng suspek at tinangkang saksakin.
Napansin naman ito ng auxiliary police na si Dennis Taay, at natapik ang kamay ng suspek na may hawak na patalim.
Kasunod nito, naglakad umano papuntang Crossing Calangcang (Makato) ang suspek, habang nakahingi naman ng saklolo sa mga lalaking pulis si Asejo.
Kaagad nilang sinundan ang suspek lamang makumbinsing tumigil, hanggang sa napitik ng kahoy ng isa pang auxiliary police na si Ramil Torda ang kamay ng suspek, kung kaya’t nabitawan niya ang patalim.
Kaagad din siyang naaresto ng mga pulis at dinala sa presento.
Samantala, kasong Direct Assault with the use of deadly weapon, Resistance and Disobedience, at paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed weapon ang isinampa sa suspek na napag-alamang nasa impluwensiya pala ng alak nang mangyari ang insidente.