Connect with us

Aklan News

Lalaking nagtatago sa batas nang 23 taon, nahuli sa Balete, Aklan

Published

on

NAPASAKAMAY ng mga otoridad ang lalaking wanted sa kasong Frustrated Homicide matapos ang 23 taong pagtatago sa batas.

Naaresto ang akusado sa bayan ng Balete nitong Lunes, Agosto 5.

Inaresto siya sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na may petsang July 17, 2001.

Samantala, aabot naman sa P24,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Balete PNP, 1st Aklan Provincial Mobile Force Company at CIDG Aklan-PFU.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Balete PNP at nakatakdang iturn-over sa kaukulang korte.