Connect with us

Aklan News

Lalaking nakikiramay sa lamay, pinagtulungang bugbugin ng 2 di kilalang suspek

Published

on

Dumulog sa Kalibo PNP ang isang lalaking pinagtulungan umanong bugbugin ng dalawang di pa nakikilalang suspek sa Brgy. Mabilo, Kalibo kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Ramon Tejada, 38 anyos, ng Andagao, Kalibo.

May mga mantsa pa ng dugo ang damit ni Tejada nang dumating sa Kalibo PNP para magsumbong.

Aniya, lumabas lang siya para sana umihi pero bigla siyang nilapitan ng mga suspek at pinagbubugbog.

Hindi rin umano kilala ng kanyang mga pinsan ang mga salarin.

Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga kapulisan ang insidente.