Connect with us

Aklan News

Lalaking nanghingi ng tagay, tinaga si pinsan

Published

on

Sugat sa bahagi ng likod ang tinamo ng isang lalaki matapos na tagain ng sariling pinsan na nanghingi ng tagay kagabi sa Brgy. Naisud, Ibajay.

Napag-alaman na 46-anyos ang biktima habang 40-anyos naman ang suspek na parehong mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang iba pang mga kalalakihan nang dumaan ang suspek.

Sinasabing, nanghingi ito ng tagay sa pinsan at sa di malamang dahilan ay nagkaroon umano ng sagutan sa pagitan ng dalawa.

Dito na umuwi ang suspek at bumalik na may dala-dalang itak sabay hataw nito sa biktima.

Dalawang tama ng pananaga sa likod ang natamo ng biktima habang ang umawat namang isang kainuman ay nagtamo rin ng galos sa katawan.

Agad dinala ang biktima sa ospital habang nananatili namang at-large ang suspek.